@itscamilleco
Yes, one of the top fashion bloggers is in the house :) CHOZ! PEG is parang your inspiration diba… so peg kita Camille Co! Ikaw na ang AMAZING! Hehehehe
Ikaw na ang MANIKIN! :) Rich KID! GO CAMILLE CO! :)
























. i tweeted you regarding this dress, but no reply :( it’s ok! :)

. BONGGA MO TEH! KEEP INSPIRING!
So Cute :)
I LOVE KIDS! I believe i have this motherly “thingy” in me Hehehehe :)
In short, bet ko ang mga cutie kids photos! Yun nga! :)
And who is this Jason Lee? Check out his gallery HERE :) Cuteness galore promise! As much as i want to post all of his creative kids photos… nyeeee super dami!!! love! love! love!





































![]()









Life Peg! :) Super! (Taken with instagram)
Fashion Blogs to L O V E!
Giving you my favorite fashion blogs…
http://blog.triciagosingtian.com/
http://www.thegoldendiamonds.com/
Enjoy!!! ;) Lovey, Ghel :)
We are the Champion! Watch to see why :) hahahaha
Congrats!
Ikaw ang Nagbago, Hindi ang Mundo - must read!
- Guys, something to think about… i think we are all guilty in some parts or baka nga sa lahat :)
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.
Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at order ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon. Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.
Dati halos mamilipit ka sa upuan tuwing nakikita mo crush mo. Lalo na kung kissable lips at nakakatunaw ang katawan. Ilang beses ka nang sinita ng professor mo, pero tuloy ka pa rin sa hallucination mong kinakausap ka ng crush mo. Pero ngayon galit ka na sa kanila. Feeling mo lahat sila manloloko. Feeling mo wala sa kanilang seseryoso sayo. Gusto mo na lang ng anak ayaw mo na ng asawa.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina (Not all the time,pero kadalasan).
Kung sabagay,nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe,Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR. (pwede kang magdagdag kung gusto mo :))
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton.
Ngayon,dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo.
Masaya ka na noon pag nakakapag-ober- da-bakod kayo para makapagswimming.
Ngayon,ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar.
Nasa bakasyon ka pa lang, iniisip mo na na next time out of the country
naman: Thailand , tapos around the Europe tapos Mediterranean Cruise!
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon,pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Ang problema kasi sayo, nakikipagsabayan ka sa ibang tao. Feeling mo dahil lang na-achieve na nila ang isang bagay, kailangan ikaw din.
Masyado ka kasing insecure. Naiinggit ka sa kanila. Gusto mong maging katulad ng kuya mo, gusto mong makipagsabayan sa kaibigan mo. Nabubulag ka sa ilusyon na pinapakita nila. Bakit? Sigurado ka ba talagang mas masarap ang buhay nila? Baka nga mas masaya ka pa e.
Saan ka ba papunta? Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na,magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula. Sa totoo lang madali lang namang lumigaya sa mundong ito. Ikaw lang ang nagpapakomplikado - ang dami mo kasing gusto. Tigilan mo na yang mga reklamo mo.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo…
“Sometimes I read the same books over and over and over. What’s great about books is that the stuff inside doesn’t change. People say you can’t judge a book by its cover but that’s not true because it says right on the cover what’s inside. And no matter how many times you read that book the words and pictures don’t change. You can open and close books a million times and they stay the same. They look the same. They say the same words. The charts and pictures are the same colors.
Books are not like people. Books are safe.”


